Nabunturan, Compostela Valley – Dumayo mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang mahigit 100 mga filmmakers, direktor, kritiko at mga mahihilig sapelikulang Pilipino upang maging kaisa sa ika-9 na pagdiriwang ng Cinema Rehiyon na may temang “No Walls, No Ceilings”.

Pormal itong binuksan ni Atty. Karen O. Santiago-Malaki, ang direktor ng pista, sa pamamagitan ng pag-sindi sa tanglaw sa pambungad na palatuntunan.

Mula martes, tatagal hanggang linggo ang nasabing pagdiriwang kung saan ipapalabas ang ilan sa mga pelikulang humakot ng mga sari-saring parangal at mga pelikula ng mga baguhang direktor.

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Cinema Rehiyon ay gaganapin ang ‘filmmathon’ kung saan ang mga lalahok na mga direktor at iba pang filmmakers na bahagi ng pista ay gagawa ng pelikula sa loob lamang ng 24 oras.

“It is always fulfilling to see people coming together to share stories, cultures and advocacy among themselves. As one story mirrors the life of the many,” ayon sa mensahe ni Hon. Chelita C. Amatong, kasalukuyang mayor ng bayan, sa kanyang mensahe na naghahatid suporta sa pista. (Meila Tamba/Ang Lambak-NNCHS)

 

PHOTO RELEASE

Mga delegado ng Cinema Rehiyon mula Mindanao

 

 

Mayor Chelita C. Amatong sa kanyang mensahe na naghahatid suporta sa pista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *